VIANTIANE, July, 24, 2016--Nagtagpo sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina at Vivian Balakrishnan, Ministrong Panlabas ng Singapore.
Sinabi ni Wang na sa kabuuan, mabuti ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pero, kinakaharap din ang iba't ibang hamon. Dagdag ni Wang ang Singapore ang tagapagkoordinang bansa ng relasyong Sino-ASEAN, at nakahanda ang Tsina na alisin ang anumang balakid, kasama ng mga bansang ASEAN, para mapalakas ang relasyon ng Tsina at ASEAN at tumungo sa tumpak na direksyon. Dapat aniyang pahigpitin ang pagtitiwalaang pulitikal, palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pangalagaan ang katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Balakrishnan na kahit may mga hamon, mainam pa rin ang pangunahing tunguhin ng relasyon ng Tsina at ASEAN; subalit, nagiging hadlang ang mga hidwaan sa pag-unlad ng relasyon. Puwede aniyang marating ang mga komong palagay ng dalawang panig sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon. Nakahanda ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina, para mapasulong ang positibong progreso ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN, at magpalabas ng signal ng pagkakaroon ng kooperasyon ng dalawang panig, dagdag niya.
salin:wle