|
||||||||
|
||
Idineklara nitong Linggo, Setyembre 25, 2016, ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Singapore, na mula noong Lunes, sinimulan ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ang apat (4) na araw na pagdalaw sa Hapon. Sa panahon ng kanyang biyahe, makaka-usap niya si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Tinatayang magiging pokus ng nasabing pag-uusap ang proyekto ng daam-bakal mula Singapore tungong Kuala Lumpur, pagkakabisa ng Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP) sa lalong madaling panahon, at iba pa.
Tinukoy din ng mediang Hapones na ang nasabing pagdalaw ng Singaporean Prime Minister ay upang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |