Sinimulan ngayong araw, Setyembre 27, 2016, ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang magkasanib na pagsasanay sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan sa pamamagitan ng sand table simulation.
Kalahok dito ang mga kinatawan ng organo ng paghahanap at pagliligtas na pandagat mula sa Tsina at ASEAN. Kabilang sa mga pagsasanay ay pagtanggap at pagkumpirma sa impormasyon ng insidenteng pandagat na gaya ng paglubog ng bapor, pagsimula ng pangkagipitang pagtugon, pagbabahaginan ng impormasyon, pagbalangkas ng plano ng paghahanap at pagliligtas, pagkokoordina ng yaman, pagliligtas ng mga tauhan sa lumubog na bapor, pagliligtas ng bapor, paglilipat ng mga nailigtas na tao, pagbibigay ng serbisyong medikal at iba pa.
Ang nasabing pagsasanay ay isa pang hakbangin na isinasagawa ng Tsina at ASEAN para mapalakas ang magkasanib na kakayahan sa paghawak sa mga pangkagipitang pangyayari sa karagatan, batay sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).
Salin: Jade
Pulido: Mac