Sa Guangzhou, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Idinaraos dito mula ika-10 hanggang ika-12 ng buwang ito ang unang koordinadong pulong ng Sandtable Simulation ng Tsina at ASEAN hinggil sa Magkasanib na Paghahanap at Pagliligtas sa Dagat sa taong 2016.
Tinalakay sa pulong ang mga paksang gaya ng plano sa pagsasagawa ng simulasyon, plano sa konstruksyon ng hotline platform ng paghahanap at pagliligtas sa dagat ng Tsina at ASEAN, at iba pa.
Ang pagtataguyod ng naturang pulong ay naglalayong komprehensibong ipatupad ang kahilingan ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea at mga kinauukulang kombensyong pandaigdig, aktibong pasulungin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa paghahanap at pagliligtas sa rehiyong pandagat sa paligid, at itatag at kumpletuhin ang mekanismo ng kooperasyon sa paghahanap at pagliligtas sa dagat ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera