Idinaos nitong nagdaang weekend (Setyembre 25-26) ang Citrawarna 2016 o Colors of Malaysia Festival, sa Merdeka Square sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Mohamed Nazri Abdul Aziz, Ministro ng Turismo at Kultura na kasama sa pagtatanghal na pangkultura mula sa iba't ibang komunidad ng bansa, mayroon ding promosyong panturismo sa aktibidad. Idinagdag pa niyang ang mga kinatawan mula sa 11 bansa't rehiyon ay inimbitahang lumahok sa Citrawarna 2016. Umasa aniya siyang sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas maraming turistang dayuhan ang makakapaglakbay sa Malaysia at makakapagtamasa ng makulay na kulturang tropikal ng bansa.
Inilunsad ang Citrawarna noong 1999. Layon nitong itanghal ang katangiang kultural ng Malaysia, sa pamamagitan ng sayaw, parada at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Mac