Huwebes, ika-30 ng Hunyo, 2016—Naisaoperasyon ang Rapid KL Ampang Line Extention ng Malaysia, at ilang bahay-kalakal na Tsino ang sumali sa konstruksyon ng nasabing Light Rail Transit (LRT).
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsasaoperasyon, pinasalamatan ni Punong Minsitro Najib Tun Razak ng Malaysia ang masigasig na gawain ng lahat ng mga kasali sa konstuksyon ng nasabing linya, na kinabibilangan ng mga bahay-kalakalan na Tsino. Aniya, ang bagong tatag na LRT ay nakapagkakaloob ng ginhawa para sa transportasyon ng mga residenteng lokal. Gumawa rin ito ng positibong ambag para sa pag-unlad ng transportasyong pampubliko ng Malaysia, dagdag pa niya.
Ang Zhuzhou Electric Locomotive Co., Ltd., China Harbour Engineering Company, at Huawei Technology Co., Ltd. ang magkakahiwalay na namahala sa mga proyekto ng tren, paglalatag ng linya, at telekomunikasyon.
Halos 36 na kilometro ang kabuuang haba ng bagong Ampang Line LRT, at mayroon itong 8 himpilan.
Salin: Vera