NANAWAGAN Capt. Rodolfo Estampador, pangulo ng Chairman ng Conference of Maritime Manning Agencies na tumulong ang pamahalaan sa pagpapahusay ng mga magdaragat upang makatugon sa hamon ng panahon at mga kalapit-bansa.
Ipinaliwanag ni Capt. Estampador sa programang Tapatan sa Aristocrat na mahalaga ang pagkakaroon ng mga barkong masasakyan ng mga mag-aaral. Ang problema, sa kawalan ng mga barko ng mga paaralan, nakapapasok ang mga negosyante at tumataas ang bayaran ng mga nangangailangang sumakay ng barko sa kanilang pag-aaral.
May nagbabayad na umano ng hanggang P40,000 para lamang makasakay sa barko. Lumalabas na hindi pa man nakapagtatapos ang mga mag-aaral ay nagkakautang na.
Kailangang magpa-utang ang pamahalaan para sa pribadong sektor upang higit na dumaloy ang pondo at magkaroon ng kailangang mga sasakyang-dagat, dagdag pa ni Capt. Estampador.