|
||||||||
|
||
Pagkaraang katagpuin nitong Martes, Setyembre 27, 2016, ni Guo Shengkun, Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, si Kyaw Tint Swe, Ministro ng mga Suliraning Panloob ng Myanmar, magkasama nilang pinanguluhan ang Ika-5 Pulong na Pangkooperasyon sa Seguridad ng Pagpapatupad ng Batas ng Tsina at Myanmar.
Lubos na pinapurihan ni Guo ang mahalagang papel ng kooperasyon ng Tsina at Myanmar sa seguridad ng pagpapatupad ng batas para sa pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Tinukoy niya na sapul nang itatag ang mekanismo ng naturang pulong noong 2005, natamo nito ang malaking bunga, bagay na napadami ang mga bagong nilalaman ng relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Guo, ang pagpapalakas ng nasabing kooperasyon ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Kyaw Tint Swe ang kahandaan na pabutihin, kasama ng panig Tsino, ang mekanismong pangkooperasyon, at palakasin ang pagkokoordinahan ng dalawang bansa sa mga malaking isyu sa seguridad ng pagpapatupad ng batas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |