Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, bumisita sa bansa si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, mula noong Agosto 17-21, 2016. Bilang kauna-unahang lider ng bagong pamahalaan ng Myanmar na dumalaw sa Tsina, nakipag-usap si Suu Kyi sa mga lider Tsino hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan, at narating nila ang mga pagkakasundo.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Nyunt Maung Shein, Puno ng Institute of Strategic and International Studies ng Myanmar na ang naturang biyahe ay ibayong magpapatibay sa pagkakaibigang pangkapatid ng Tsina at Myanmar.
Nang mabanggit ang "Belt and Road Initiative" at Economic Corridor ng Tsina, India at Myanmar, sinabi ng naturang puno na positibo ang Myanmar sa nasabing dalawang usapin, at makikinabang ang mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, na kinabibilangan ng Myanmar. Aniya, bilang isa sa mga bansang tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB), matatamo ng Myanmar ang suporta mula sa AIIB. Ito aniya'y may mahalagang katuturan para sa pag-unlad ng kanyang bansa.