Ipinahayag Martes, September 27, 2016, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasa ang panig Tsino na magiging maingat at matimpi ang Hapon sa pananalita at aksyon hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS).
Bukod dito, umaasa rin aniya siyang magkasamang mapapangalagaan ng Tsina at Hapon ang katatagan at kapayapaan ng East China Sea (ECS) at aktuwal na magsisikap para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones.
Sinabi rin ni Geng na sa pangmatagalan, ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan, kundi makakabuti sa katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asyano.
Nanawagan siya sa panig Hapones na aktuwal na sundin ang 4 na dokumentong pulitikal at 4 na prinsipyo na narating ng dalawang bansa.