Binuksan ngayong araw, Martes, ika-27 ng Setyembre 2016, sa Tokyo, Hapon, ang Ika-12 Beijing-Tokyo Forum. Ang tema ng porum na ito ay "kooperasyong Sino-Hapones para sa kapayapaan at kaunlaran ng Asya at daigdig."
Ang Beijing-Tokyo Forum ay isang taunang aktibidad, para talakayin ng mga personahe mula sa sirkulo ng pulitika, kabuhayan, akademiya, at media ng Tsina at Hapon ang hinggil sa mga mahalagang isyu sa relasyon ng dalawang bansa.
Tumatagal ng 2 araw ang porum sa taong ito, at kalahok dito ang halos 500 kinatawan mula sa dalawang bansa.
Salin: Liu Kai