|
||||||||
|
||
Hapon
Gaya ng pag-aabang sa mga cherry blossoms tuwing tag-sibol, para sa mga Hapones ang tag-lagas ay panahon para masdan ang pagpapalit ng kulay ng mga dahon. At ang panonood ng makulay na dahon ay popular na popular din sa mga turistang dayuhan. Sa panahon ng tag-lagas, nagaganap di ang maraming mga outdoor at sports activities sa Hapon.
Kanada
Ang kagandahan ng mga maple trees ay masisilayan sa buwan ng Setyembre at Okture.
Switzerland
Ang Switzerland ay isang perpektong lugar para mamasyal at masdan ang makulay na tag-lagas. Ito din ang pinakamagandang panahon para tikman ang mga pagkain at alak na lokal.
Alemanya
Ang tag-lagas sa Alemanya ay panahon para sa mga pestibal, kabilang ang tanyag na Oktoberfest sa Munich. Ngayong taon, nagsimula ito noong Setyembre 17 at tatagal hanggang Oktubre 3. Inaasahang dadagsain ito ng milyong milyong turista mula sa apat na sulok ng mundo.
Maldives
Natatapos ang monsoon season sa Maldives sa buwan ng Oktubre. Kaya puwede nang mag-enjoy ang mga bakasyunista at magbabad sa beach.
Australya
Ang Oktubre ay panahon ng tag-sibol sa Australia. Masaya ang paligid dahil sa flower festivals at outdoor barbeques.
Kambodya
Mula Oktubre hanggang Pebrero ay pinakamagandang panahon para pumasyal sa Kambodya. Bukod ng kilalang Angkor Wat at Bayon temple, puwedeng mag-boatride at mag-enjoy sa tanawin ng Tonle Sap-pinakamalaking lawa sa Timogsilangang Asya.
New Zealand
Habang nagsisimula sa Northern hemisphere ang tag-lagas, ang New Zealand na makikita sa southern hemisphere naman ay nasa pinakamagandang panahon para sa paglalakbay dahil sa tag-sibol. At ang ilang napakapopular na aktibidad ay kinabibilangan ng whale watch sa Kaikoura, at road journey patungo sa Miford wine regions.
Timog Aprika
Ang Oktubre ay tag-sibol sa Timog Aprika na hindi masyadong mainit at kasisimula pa lang ng rainy season, kaya puwedeng-puwede ang safari tour. Bukod dito kaaya-aya rin ang tanawing ng mga bagong sibol na bulaklak.
Ehipto
Ang Oktubre ay napakaginhawang panahon para sa paglalakbay sa disyerto. Ang pagsakay ng kamelyo at hot air balloon ay mga bagay na dapat subukin para sa mga turista na maglalakbay sa Ehipto sa kauna-unahang pagkakataon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |