|
||||||||
|
||
Nitong Miyerkules, September 28, 2016 ay Ika-2,567 anibersaryo ng pagsilang ni Confucius, isang ancient Chinese educator at philosopher, na may malalim na impluwensiya sa hene-henerasyong Tsino. Sa Qufu City, Shandong, lupang-tinubuan ni Confucius, na makikita sa silangang bahagi ng Tsina, idinaos ang isang malakihang seremonya bilang pagdiriwang sa kaarawan ni Confucius.
Binigkas ng mahigit 2,000 katao ang "The Analects," koleksyon ng aral ni Confucius sa harap ng Confucius Temple. Dumalo sa seremonya ang mga opisyal ng pamahalaan at UNESCO, dalubhasa, estudyante, inapo ni Confucius, at iba pang tauhan mula sa mahigit 20 bansa at rehiyon. Ini-inatasan ng pamahalaan ng Qufu ang mga dalubhasa na gawin ang pananaliksik hinggil sa current name, time, venue, procedure, code of etiquette, sacrificial offerings, at ritual dance ng seremonya para maigarantiya na angkop ang lahat.
Idinaos din sa iba pang mga lugar ng Tsina ang mga aktibidad bilang pagdiriwang.
Nakasuot ang mga tao ng tradisyonal na Chinese costume at naglaro ng ancient Chinese musical instrument sa seremonya bilang pagdiriwang sa 2,567th birthday ni Confucius, sa Cangzhou, Hebei, lalawigan sa hilangang Tsina, Sept. 28, 2016.
Nakasuot ang mga tao ng tradisyonal na Chinese costume at naglaro ng ancient Chinese musical instrument sa seremonya bilang pagdiriwang sa 2567th birthday ni Confucius, sa Nanjing, Jiangsu, lalawigan sa Timog Tsina, Sept. 28, 2016.
Nakasuot ang mga bata ng tradisyonal na Chinese costume at naglaro ng Guqin, isang ancient Chinese musical instrument sa seremonya ng gumunita sa 2,567th birthday ni Confucius, sa Nanjing, Jiangshu, lalawigan sa Timog Tsina, Sept. 28, 2016.
Idinaos sa Jinan, kabisera ng Shandong, lalawigan sa silangang Tsina ang seremonyang nagdiriwang sa Ika-2,567 anibersaryo ng kapanganakan ni Confucius, Sept. 28, 2016.
Dumalo sa Beijing, Tsina ang mga estudyante sa seremonya bilang pagdiriwang sa Ika-2,567 anibersaryo ng kaarawan ni Confucius, Sept. 28, 2016.
Salin: Andrea
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |