Ang "aging gracefully" ay inaasam hindi lamang ng mga babae, kundi rin ng mga lalaki. Sumikat kamakailan sa internet ang ilang mga litratong kuha sa kalsada ng isang matandang lalaking Aleman sa Kotbusser Tor station ng Berlin.
Ang naturang matanda ay si Günther Krabbenhöft, at misteryo ang edad niya. Minsan napabalita na 104 taong gulang na si Krabbenhöft. Pero ayon sa kanyang Facebook profile, "dinoble" ng internet ang edad niya.
Pusturiyoso ang kasuotan ni Krabbenhöft. Bowler hat, bow, slim suit, vest, shirt, slim pants, leather shoes, at earphone ay pinakapaboritong istilo niya.
"I find that I dress pretty normal. I've always dressed like this. When I went to work, when I go to exercise. I want to look at myself with joy. It's also always a reflection of my inner self," sabi niya.
Salin: Vera