Ipinahayag Huwebes, Setyembre 19, 2016, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga bansang BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa) ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Umaasa aniya siyang magbibigay ang BRICS ng ambag at pagsisikap para pasulungin ang reporma sa pandaigdigan sistema ng pangangasiwa.
Kaugnay ng positibong pagtaya ni Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund (IMF), hinggil sa pag-unlad ng kabuhayan ng BRICS sa taong 2016, sinabi ni Geng na ang pagtaya ng IMF ay muling nagpapakita ng kahalagahan ng BRICS para sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi rin ni Geng na malakas ang nakatagong-lakas ng BRICS at maganda ang kinabukasan nito.