|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina (gitna), kasama nina Indian Prime Brazilian President Michel Temer (dulong kaliwa), Minister Narendra Modi (ika-2 sa kaliwa), Russian President Vladimir Putin (ika-2 sa kanan) at South African President Jacob Zuma (dulong kanan). (Xinhua/Yao Dawei)
Sa ngalan ng bansang punong-abala ng 2016 G20 Summit, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng panalubong sa ibang mga lider ng BRICS.
Ani Xi, bilang nangungunang ekonomiya sa mga bagong kabuhayan at umuunlad na bansa, at miyembro ng G20, kailangang pahigpitin ng BRICS ang koordinasyon para patingkarin ang kanilang papel sa sistema ng pandaigdig na pangangasiwa.
Nagpasiya ang mga lider ng BRICS na pahigpitin ang kanilang estratehikong partnership at pasulungin ang pagtatatag ng pantay-pantay at makatarungang pandaigdig na kaayusan, batay sa mga pandaigdig na batas.
Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |