Nanawagan nitong Miyerkules, September 21, 2016 si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa BRICS nations (Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika) na panatilihin ang kapayapaan at paunlarin ang kabuhayan ng daigdig.
Sa panahon ng pagdaraos ng serye ng pulong ng Ika-71 Sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN sa New York, nangulo si Wang sa pulong ng mga Ministrong Panlabas ng BRICS. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wang na sa katatapos na G20 Hangzhou Summit sa Tsina, sinang-ayunan ng mga bansa ang 2030 Action Plano hinggil sa Sustenableng Pag-unlad at iminungkahi nilang tulungan ang industriyalisasyon ng Aprika at mga pinakamahirap na bansa. Aniya, dapat himukin ng BRICS ang mga maunlad na bansa na tupdin ang kanilang pangako sa mga umuunlad na bansa.
(From L to R) Mga Ministrong Panlabas na sina Sergey Lavrov ng Rusya, M.J. Akbar ng Indya, Wang Yi ng Tsina, Maite Nkoana-Mashabane ng Timog Aprika, at Jose Serra ng Brazil.
Salin: Andrea