Hanggang sa kasalukuyan, naitatag na ng Tsina at 28 kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU) ang relasyong pangkooperasyon ng edukasyon, at nilagdaan din ng Tsina at 19 bansa ng EU ang kasunduan ng pagkilala ng academic degree ng tertiary education sa isa't isa.
Ang nasabing 19 na bansa ay kinabibilangan ng Britanya, Pransya, Alemanya, Italy, Netherland, Portugal, Bulgaria, Romania, Hungary, Austria, Ireland, Sweden, Denmark, Spain, Latvia, Malta, Estonia, Lithuania, at Poland.
Isiniwalat ito kahapon, ika-8 ng Oktubre, 2016, sa isang news briefing hinggil sa Pulong ng mga Ministro ng Edukasyon ng Tsina at EU at ika-4 na Diyalogo ng Tsina at Gitna-silangang Europeo sa Edukasyon na idaraos sa ika-11 ng Oktubre sa Beijing .
salin:wle