Sa Brussels, Belgium-Dumating dito kahapon ng hapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina para dumalo sa Ika-17 Summit ng Tsina at Unyong Europeo(EU).
Sa pananatili sa Brussels, pangunguluhan ng Premyer Tsino, kasama ng mga lider ng EU ang nasabing summit, dadalo at bibigkas din siya ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 10th Industrial at Commercial Summit ng Tsina at EU, at dadalo sa Urbanization Partnership Forum ng Tsina at EU. Samantala, makikipag-usap din si Li sa puno ng European Parliament at punong ministro ng Belgium.