Sa Vientiane, Laos — Sa kanyang pakikipagtagpo kay Miroslav Lajcak, Ministrong Panlabas ng Slovakia — kasalukuyang bansang tagapangulo ng Unyong Europeo (EU), ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na natamo ng katatapos na pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Europa ang kapansin-pansing bunga. Inulit niya na katig ang panig Tsino sa proseso ng integrasyon ng EU. Sa kasalukuyang kalagayan, dapat palakasin ng dalawang panig ang kooperasyon para magkasamang harapin ang mga hamong gaya ng paglaban sa terorismo, at pagbabago ng klima, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Miroslav Lajcak ang mainit na pagtanggap ng panig Europeo sa mahalagang komong palagay na narating ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) tungkol sa komprehensibong pagsasakatuparan ng "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea." Aniya, walang pinapanigan ang panig Europeo sa isyu ng South China Sea, ngunit nakahanda itong patingkarin ang konstruktibong papelsa isyung ito.
Salin: Li Feng