Lunes ng hapon, ika-10 ng Oktubre, 2016, idinaos sa Phnom Penh, Kambodya ang talakayan ng mga media ng Tsina at naturang bansa. Kalahok dito ang mga kinatawan ng mahigit 10 pangunahing media ng dalawang bansa, at tinalakay ang mga paksang gaya ng pagpapalakas ng kooperasyon sa balita, pag-unlad ng new media at iba pa.
Ipinahayag ng mga kinatawan ng kapuwa panig na mahigpit na magtutulungan ang mga media ng Tsina at Kambodya, para mapabuti ang pagkokober hinggil sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kambodya. Anila, gagawing pagkakataon ang nasabing pagdalaw na magsisimula Oktubre 13, upang mapataas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media ng dalawang bansa sa bagong antas, at makagawa ng ambag para sa paglalatag ng tulay ng pagpapalitan at pagkatuto sa isa't isa ng dalawang panig.
Magkakahiwalay na isinalaysay din ng mga kalahok ang kalagayan ng sarili nilang media, at iniharap ang mga mungkahi tungkol sa pagpapalalim ng kooperasyon ng media ng kapuwa panig.
Salin: Vera