Sa press briefing Lunes, Oktubre 10, 2016, inilahad ni Kong Xuanyou, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina ang hinggil sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Cambodia.
Ayon kay Kong, sa nabanggit na biyahe sa Oktubre 13, nakatakdang makipagtagpo si Pangulong Xi kay Hari Norodom Sihamoni, dating Reyna Norodom Monineath at Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Tatayong-saksi rin si Pangulong Xi, kasama ng mga lider na Cambodian sa seremonya ng paglalagda sa serye ng dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Pagkaraan ng kanyang biyahe sa Cambodia, dadalaw rin ang pangulong Tsino sa Bangladesh at dadalo sa Ika-8 BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa) Summit sa India.
Salin: Jade
Pulido: Rhio