Phnom Penh, Lunes, ika-10 ng Oktubre, 2016—Idinaraos dito ang pagtatanghal ng mga klasikal na aklat ng Tsina.
Mahigit 1000 uri ng aklat sa mga wikang gaya ng wikang Tsino, wikang Kambodyano, wikang Ingles, wikang Pranses at iba pa ang nakikita sa nasabing pagtatanghal. Nilalaman ng mga aklat na ito ang hinggil sa iba't ibang aspekto ng Tsina na gaya ng pulitika, kabuhayan, kultura at kasaysayan.
Tatagal ng isang linggo ang naturang pagtatanghal, sa mga chain book store na gaya ng Peace Book Center, Xinzhi Chinese Bookstore(Phnom Penh), at iba pa.
Salin: Vera