|
||||||||
|
||
Binuksan Lunes, Oktubre 10, 2016 ng Oscar-winning actor na si Leonardo DiCaprio ang kanyang Weibo account sa Tsina at sinalubong ng mga tagahanga ang kanilang idol sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mga mensaheng punung puno ng memes. Ang Weibo ay kilalang twitter-like social media sa Tsina.
Marami ang tagahanga ni DiCaprio sa Tsina, kaya nang buksan ang kanyang Weibo account at ipalabas ang kauna-unahang mensahe, nagpahayag ng mainit na pagtanggap ang mga tagahanga sa kanya.
Sa isang gabi lamang, ang kauna-unahang post ni DiCaprio ay ini-repost nang 135 libong beses kasama ng 147 komento at 500 libong likes.
Bukod sa mga mensahe ng pagsalubong, ibinahagi ng mga tagahangang Tsino ang maraming memes na may kinalaman kay DiCaprio at ito'y naging katangi-tanging paraan ng pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa idol.
Sa kabilang banda, ikinabahala naman ng ilang tagahanga na baka matakot sa kagawiang ito si DiCaprio.
An emoticon of Leonardo DiCaprio with the caption "Someone is calling me handsome." [Photo/Weibo]
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |