|
||||||||
|
||
Jogyakarta — Sa Ika-2 Pandaigdigang Simposyum tungkol sa Kriminalidad sa Pangingsda, ipinahayag ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia, na 20 bilyong dolyares ang kapinsalaang ekonomiko sa bansa bawat taon dahil sa ilegal na pangingisda. Aniya, nahaharap din ang halos 65% na coral reef ng bansa sa banta ng pagkasira. Nanawagan siya sa buong mundo na magkaisa upang mabigyang-dagok ang ilegal na pangingisda at mapangalagaan ang kapaligirang ekolohikal sa dagat.
Ayon sa datos ng Food and Agriculture Organization (FAO), noong taong 2014, pumuwesto sa ika-2 ang Indonesia sa produksyon ng mga isdang pandagat sa daigdig.
Ang nasabing simposyum ay ginanap mula nitong Lunes hanggang Martes sa Jogyakarta, Indonesia. Tinalakay dito ng mga kalahok ang tungkol sa mga isyung gaya ng pagharap sa ilegal na pangingisda, human smuggling, at drug crime. Dumalo rito ang mga kinatawan mula sa 46 na bansang tulad ng Tsina, India, Timog Aprika, at Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |