Ipinahayag kahapon, Oktubre 11, 2016, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na winiwelkam ng Tsina ang pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina. Aniya, positibo ang mithiin ng dalawang bansa sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Sinabi ni Geng na sa kasalukuyan, nagkakaroon ng mahigpit na pagpapalitan ang dalawang panig hinggil sa pagdalaw ni Duterte. Binigyan-diin din niyang kapuwa ang Tsina at Pilipinas ay may positibong mithiin sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon, pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at pagpapasulong ng komong pag-unlad. Ani Geng, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Pilipinas, para mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, mapalakas ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan, at nang sa gayo'y, maisakatuparan ang win-win situation.
salin:le