|
||||||||
|
||
Sapul nang bumalik ang Macao sa Tsina, nitong 17 taong nakalipas, noong Lunes, sinimulan ni Premiyer Li Keqiang ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa Macao para dumalo sa pulong ministeryal ng Forum for Economic and Trade Cooperation between China and Portuguese-speaking countries.
Heto ang ilang saligang imporasyon na may kinalaman sa Macao
Heograpiya
Ang Macao Special Administrative Region (MSAR) ay nasa sa timog-silangang babaying dagat ng Tsina, malapit sa ng probinsyang Guangdong, at 60 kilometro ang layo mula sa Hong Kong.
Area
Ang Macao ay binubuo ng Macao Paninsula, isla Taipa, at Coloane. Ang peninsula at island Taipa ay iniuugnay ng tulay ng Nobre de Carvalho, Ponte da Amizade at Sai Van, samantalang, ang dalawang island ay iniugnay ng COTAI Reclamation Area. Sa pamamagitan ng reclamation, nitong halos 100 taon, patuloy ang paglaki ng saklaw ng Macao at umabot na ito sa 30.4 square kilometro ngayon.
Populasyon
Umaabot sa 652500 ang kabuuang populasyon ng Macao at kabilang dito, 40.9% ay ipinanganak sa Macao, 46.2% ang isinilang sa Mainland Tsina, samantalang, 10% ang galing sa ibang rehiyon.
Sistemang pulitikal
Ang Macao ay naging isang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Republika ng Mga Mamamayan ng Tsina noong ika-20 ng Disyembre, 1999.
Sistemang Lehitimo
Batay sa prinsipyo ng " Isang Bansa, Dalawang Sistema", naging foundation ng sistemang lehitimo ng Macao ang Continental European Law
Klima
Ang karaniwang temperature ng Macao ay mga 22.6ºC. Ang pinakamalamig na panahon ay Enero, kapag ang karaniwang temperature ay 15.1ºC. Sa nakararaming panahon, ang temperature ay nananatiling 22ºC pataas.
Economy
Bagama't maliit ang economy, nagsagawa ang Macao ng bukas na patakarang ekonomiko, at bilang isang malayang puwerto at isang nagsasariling tariff zone, wala itong isinasagawang pagkontrol sa foreign exchange. Aktibo ang Macao sa kabuhayang rehiyonal at naging isang pangunahing tulay sa pagitan ng Mainland Tsina at pamilihang pandaigdig.
Gaming Industry
Mula noong ika-19 siglo, ang gaming ay naging pillar industry ng Macao at nakaakit ng maraming turista mula sa buong daigdig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |