Ipinahayag Oktubre 11, 2016 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na positibo ang Tsina sa ibayong pagsasagawa ng United Nations Security Council(UNSC) ng reaksyon at hakbang, bilang tugon sa nuclear test ng Hilagang Korea. Samantala, dapat lamang aniyang tumugon ang naturang sangsyon sa mga aktibidad na nuklear ng bansang ito.
Ayon sa ulat, kasalukuyang hinahangad ng Amerika ang pagpapasulong sa panukalang resolusyon ng UNSC hinggil sa pagkukumpleto sa sangsyong ipinapataw laban sa Hilagang Korea. Ipinahayag ng panig Amerikano na nakakapagluwas pa rin ng karbon ang Hilagang Korea dahil hindi kumpleto ang nasabing sangsyon.