|
||||||||
|
||
Phnom Penh — Sa isang panayam sa bisperas ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Cambodia, ipinahayag ni Punong Ministro Hun Sen ng Cambodia, na ang dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi ay ibayo pang makakapagpalalim sa tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Kambodyano, at makakapagpasulong din sa komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ani Hun Sen, nitong ilang taong nakalipas, mahigpit ang pagdadalawan sa mataas na antas ng mga lider ng dalawang bansa. Ito aniya ay nagpapakita ng mahigpit at mainam na relasyong pangkooperasyon ng dalawang nasyon. Aniya, sa kasalukuyan, kapwa kinakaharap ng Cambodia at Tsina ang maraming hamon mula sa daigdig at rehiyong ito sa mga larangang gaya ng pag-unlad ng kabuhayan, seguridad sa rehiyon, terorismo, at pagbabago ng klima. Dapat palakasin ng dalawang bansa ang kooperasyon at lutasin ang mga problemang kapwa nila pinahahalagahan upang makapag-ambag sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyon at buong daigdig, dagdag pa niya.
Ayon sa Cambodian PM, sa panahon ng biyahe ni Pangulong Xi, lalagdaan ang isang serye ng dokumento ng bilateral na kooperasyon na naglalayong ibayo pang palalimin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |