Kaugnay ng paglipat ng Cambodia ng kustodiya sa 63 suspek na karamihan ay mga Taiwanese na sangkot sa telecommunications fraud sa Chinese mainland, ipinahayag Miyerkules, Setyembre 21, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na lubos na hinahangaan at pinasasalamatan ng panig Tsino ang Cambodia sa buong tatag na pananangan sa patakarang "Isang Tsina," at pakikipagtulungan sa panig Tsino sa pagbibigay-dagok sa mga transnasyonal na krimeng tulad ng telecommunications fraud. Ngunit, ipinahayag ng kaukulang departamento ng awtoridad ng Taiwan ang kalungkutan tungkol dito.
Ipinahayag ni Lu na ang naturang paglipat ay makakatulong sa lubusang pag-imbestiga sa kaso, at mabisang pagbibigay-dagok sa krimen. Ang mga ito aniya ay totohanang mangangalaga sa lehitimong karapatan at interes ng mga biktima, at nananalig siyang matatamo nito ang pag-unawa at pagkatig ng mga kababayan sa magkabilang pampang at komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng