|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Miyerkules, Oktubre 12, 2016, ni Pangulong Pranab Kumar Mukherjee ng India, na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Nakahanda aniya ang India na palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga larangang tulad ng pulitika, kabuhayan at kalakalan, at kultura. Inaasahan niya ang pagpunta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa India para dumalo sa Ika-8 BRICS Summit, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |