|
||||||||
|
||
Hangzhou, Tsina—Bago buksan ang Ika-11 G20 Summit Linggo ng Hapon, Setyembre 4, 2016 sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina, nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Narendra Modi ng India.
Kapuwa kinikilala ng dalawang lider ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Indian at ang kahalahagan nito sa rehiyon at daigdig.
Sina Pangulong Xi at Punong Ministro Modi (Xinhua)
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang mungkahi na iugnay ng Tsina't India ang kanilang estratehikong planong pangkaunlaran para makinabang sa mga ito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Punong Ministro Modi na ang ika-21 siglo ay Siglo ng Asya, kaya, kailangang maghawak-kamay ang mga bansang Asyano para magkakasamang makalikha ng katatagan at kasaganaan.
Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |