|
||||||||
|
||
Dumating ng Phnom Penh Huwebes, Oktubre 13, 2016, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Cambodia.
Ipinaabot ni Pangulong Xi ang taos-pusong pangungumusta at mainam na pagbati sa mga mamamayang Kambodyano. Ipinagdiinan ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Cambodia ang kapansin-pansing bunga sa konstruksyon ng bansa. Walang humpay din aniyang tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan, at gumaganap din ito ng pahalaga nang pahalagang papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Ani Xi, ang malalimang pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa ay hindi lamang nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo para sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi gumagawa ng positibong ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyon at buong daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |