|
||||||||
|
||
Sa bisperas ng kanyang dalaw-pang-estado sa Cambodia, ipinalabas nitong Miyerkules, Oktubre 12, 2016, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang signed article sa pahayagang Rasmei Kampuchea na pinamagatang "China and Cambodia: Good Neighbors and Trusted Friends."
Anang artikulo, sapul nang pumasok ang ika-21 siglo, sumusulong ang usapin ng konstruksyong pang-estado ng Cambodia, at walang humpay na tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan nito. Salamat sa pagpapahubog ng mga beteranong lider ng dalawang bansa, nalampasan anito ng tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Kambodyano ang mga pagsubok sa pagbabago ng situwasyong pandaigdig. Dagdag ng artikulo, sa pagpasok ng bagong panahon, walang humpay na uumunlad ang pagkakaibigang ito. Mataas ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa sa pulitika, may mutuwal na kapakinabangan at win-win ang kabuhayan, at mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang nasyon sa iba't-ibang larangan, ayon pa rito.
Anito pa, sapul nang maitatag ng Tsina at Cambodia ang komprehensibo at estratehikong partnership noong 2010, pumasok sa bagong panahon ng pag-unlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Nitong ilang taong nakalipas, nananatiling malakas ang tunguhin ng paglaki ng bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig, at ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Cambodia nitong nagdaang tatlong taong singkad, dagdag nito.
Sa wakas, iniharap din ng artikulo ang apat na mungkahi para sa ibayo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Kabilang ang mga ito ay: una, dapat patuloy na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa; ikalawa, dapat buong tatag at malalimang pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan; ikatlo, dapat buong tatag na palakasin ang pagtutulungang pandaigdig; ikaapat, dapat pasulungin ang pag-uugnayan at pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |