Isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan. Mataas umano ekspektasyon ni Pangulong Duterte sa pagpapaunlad ng pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina.
Kaugnay nito, sinabi, Huwebes, Oktubre 13, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may espesyal na bentahe ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Malaki aniya ang potensyal ng paglaki ng nasabing kooperasyon. Dagdag niya, nakahanda ang panig Tsino na aktibong makilahok sa konstruksyong pangkabuhayan at panlipunan ng Pilipinas upang mapalawak at mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng