Ipinahayag Biyernes, Setyembre 23, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nananatili ang Tsina at Pilipinas ng buong-higpit na pag-uugnayan kaugnay ng posibleng pagdalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina.
Idinagdag pa niyang sa iba't ibang okasyon, ipinahayag na ng Tsina ang mainit na pagtanggap kay Pangulong Duterte at umaasang makakadalaw siya sa Tsina sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag ng tagapagsalitang Tsino ang nasabing paninindigan nang sagutin ang may kinalamang tanong. Ayon sa panig Pilipino, may posibilidad na dumalaw sa Tsina si Pangulong Duterte sa kalagitnaan ng Oktubre.
Bilang tugon sa pagkakaiba ng Tsina't Pilipinas sa isyu ng South China Sea, sinabi ni Lu na normal para sa anumang dalawang bansa na may pagkakaiba sa isang isyu o iba, at kapag may hangaring pulitikal ang Tsina't Pilipinas para malutas ang pagkakaiba, walang di-malulutas na hadlang sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Salin: Jade