Kinatagpo Oktubre 12, 2016, sa Beijing ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC) ang delegayon ng Lao People's Revolutionary Party(LPRP), na pinamumunuan ni Saysomphone Phomvihan, Tagapangulo ng Lao Front for National Reconstruction.
Sinabi ni Yu na nitong 55 taong nakalipas, walang tigil na lumalawak ang pagtutulungan ng Tsina at Laos sa ibat-ibang larangan, at lumalalim ang pagpapalitan ng karanasan sa administrasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato ng partido at pamahalaan ng dalawang bansa, para sa ibayong pagpapasulong ng kanilang komprehensibong estratehikong partnership.
Ipinahayag naman ni Saysomphone Phomvihan na handa na ang partido at pamahalaan ng Laos na magsikap, kasama ng Tsina para ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.