Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes ng hapon, Setyembre 8, 2016, kay Pany Yathotou, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Laos, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang layon ng kanyang pagdalaw sa Laos ay ibayo pang pagpapalakas ng tradisyonal na pagkakaibigan, palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership, pasulungin pa ang pragmatikong kooperasyon, at pahigpitin ang mapagkaibigang damdamin ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Tinukoy ng Premyer Tsino na ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga organong lehislatibo ay mahalagang bahagi ng estratehikong kooperasyong Sino-Lao. Umaasa aniya siyang patuloy na mapapalalim ng mga parliamento ng dalawang bansa ang pagpapalitan.
Ipinahayag naman ng panig Lao ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Laos. Nakahanda aniya siyang pag-ibayuhin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at pasulungin pa ang naturang relasyon.
Salin: Li Feng