|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Xaysana Sithiphone, Puno ng Tanggapan ng Komisyong Pangkooperasyong Lao-Sino ng Laos, na bunga ng patuloy na lumalalim na pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa nitong ilang taong nakalipas, naisakatuparan ng kabuhayang Lao ang mabilis at matatag na paglaki.
Sinabi niya na malawak ang mga larangan kung saan namumuhunan ang Tsina sa Laos. Kabilang dito ay daam-bakal, industriya ng mina, tubig at koryente, agrikultura, pinansya, espesyal na sonang pangkabuhayan, at iba pa. Halimbawa, aniya ang kooperasyong Lao-Sino sa daam-bakal ay nakapagbigay ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa, at patuloy pang sumusulong ang iba't-ibang may-kinalamang gawain.
Dagdag pa niya, bukod sa pagpapahalaga ng pamahalaang Lao sa relasyon ng dalawang bansa, lubos ring ikinasisiya ng mga mamamayang Lao ang pag-unlad ng kanilang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |