Sa bisperas ng biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina, ipinahayag sa Beijing Biyernes, Oktubre 14, 2016, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Pilipino sa larangan ng pakikibaka laban sa droga.
Ani Geng, ang droga ay komong kaaway ng buong sangkatauhan. Aniya, ang pagbibigay-dagok sa drug crime ay komong responsibilidad ng iba't-ibang bansa sa daigdig. Sa mula't mula pa'y buong tatag na binibigyang-dagok ng pamahalaang Tsino ang drug crime, at aktibo itong nakikilahok sa pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa droga, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng