Dhaka — Sa pag-uusap Biyernes, Oktubre 14, 2016, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh, positibo nilang pinapurihan ang tradisyonal na pagkakaibigan at natamong progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan. Malaliman ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan, at narating nila ang malawakang komong palagay. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang lider na itatag ang estratehikong partnership ng Tsina at Bangladesh para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa.
Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (sa kaliwa) at Punong Ministro Sheikh Hasina ng Bangladesh (sa kanan)
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong ilang taong nakalipas, umuunlad nang malaki ang relasyon ng Tsina at Bangladesh. Matatag aniyang sumusulong ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan at kalakalan, kultura, seguridad, mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at iba pang larangan. Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Bangladesh, at patuloy na magkakaloob hangga't makakaya, ng tulong sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Bangladesh.
Ipinahayag naman ni Sheikh Hasina na nakahanda ang kanyang bansa na positibong makilahok sa "Belt and Road" Initiative para mapasulong ang pag-unlad ng bansa sa mga aspektong gaya ng koryente, enerhiya, teknolohiya, agrikultura, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, at konektibidad. Aniya pa, buong tatag na iginigiit ng Bangladesh ang patakarang "Isang Tsina."
Salin: Li Feng