New York, punong himpilan ng United Nations (UN) — Dumalo at bumigkas ng talumpati Miyerkules ng umaga (local time), Setyembre 21, 2016, si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pangkalahatang debatehan ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN na may temang "The Sustainable Development Goals: a universal push to transform our world."
Ipinahayag ni Premyer Li na ang "Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa Taong 2030" na pinagtibay sa UN Sustainable Development Summit noong isang taon, ay nakalarawan ng bagong prospek ng pag-unlad ng buong mundo. Aniya, sa naturang summit, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang prinsipyo at paninindigan ng Tsina, at inihayag din ang positibong atityud ng Tsina tungkol dito.
Tinukoy ni Li na unang una, ang sustenableng pag-unlad ay dapat isakatuparan ang pag-unlad, at ang pundasyon nito ay pag-unlad din. Walang iba kundi ang pag-unlad ay maaaring igarantiya ang pundamental na karapatan ng mga mamamayan, pawiin ang pinag-uugatan ng mga hamon sa daigdig, at pasulungin ang progreso ng buong sangkatauhan, aniya. Dapat magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig para magkakasanib na harapin ang mga hamon, dagdag niya.
Ipinahayag din ng premyer Tsino na kung talagang nais pasulungin ang sustenableng pag-unlad, dapat harapin ang mga kasalukuyang hamon sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, at aktibong baguhin at pabutihin ang kasalukuyang daigdig.
Salin: Li Feng