|
||||||||
|
||
Ipinatalastas Biyernes, Oktubre 14, 2016, ng Estados Unidos na ibayo pang nitong paluluwagin ang limitasyon laban sa Cuba sa mga larangang gaya ng komersyo, at kalakalan.
Ipinahayag ng Amerika na isasagawa ang isang serye ng hakbangin para mapalawak ang pagkakataong komersyal at pangkalakalan sa pagitan ng Amerika at Cuba, at mapalakas ang kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya at pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa. Magkakabisa anito ang mga hakbanging ito sa ika-17 ng kasalukuyang buwan.
Ipinahayag ni Jacob J. Lew, Secretary of the Treasury ng Amerika, na sapul nang mapanumbalik ang proseso ng normalisasyon ng bilateral na relasyon ng Amerika at Cuba noong katapusan ng taong 2014, inaalis na ng kanyang bansa ang limitasyon laban sa Cuba sa mga larangang tulad ng turismo, komersyo at kalakalan, bangko, at tele-komunikasyon. Aniya, ang nasabing mga bagong hakbangin ay makakalikha ng mas maraming pagkakataong ekonomiko para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |