|
||||||||
|
||
Pumunta kamakailan si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, sa Palasyo ng Malakanyang para kumustahin si Pangulong Rodrigo Duterte. Lubusan silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa gagawing state visit ni Pangulong Duterte sa Tsina.
Ipinahayag ni Embahador Zhao na mainit na tinatanggap ng panig Tsino ang nasabing biyahe ni Pangulong Duterte. Ito aniya ay magsisilbing makasaysayang biyahe sa relasyong Sino-Pilipino.
Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte ang pag-asang komprehensibong makikipagpalitan ng kuru-kuro sa mga lider ng Tsina hinggil sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Nananalig aniya siyang magiging masayang tagumpay ang kanyang gagawing biyahe.
Sa paanyaya ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, isasagawa ni Pangulong Duterte ang state visit sa Tsina mula ika-18 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |