|
||||||||
|
||
Beijing, China — Binuksan nitong Miyerkules, Oktubre 19, 2016, ang apat na araw na "Porum ng Kababaihan sa Lancang-Mekong River." Dumalo rito ang halos 200 babaeng kinatawan mula sa 6 na bansang tulad ng Tsina, Biyetnam, Laos, Cambodia, Myanmar, at Thailand.
Ang porum ay magkakasamang itinaguyod ng China Soong Ching Ling Foundation (CSCLF), ASEAN-China Center (ACC), at China Women's University (CWU). Ang mga kinatawan ay magkakaroon ng malawakan at malalimang talakayan tungkol sa mga temang kinabibilangan ng kababaihan at pagsasaayos sa lipunan, pagbibigay ng kapangyarihan sa kababaihan sa suliraning ekonomiko, pangangalaga sa intangible cultural heritage at pag-unlad ng kababaihan, at iba pa.
Ayon sa salaysay, sa pamamagitan ng pagpapalitang di-pampamahalaan, mapapalakas ng nasabing porum ang mapagkaibigang pag-uugnayan ng mga organong di-pampamahalaan ng Tsina at mga kapitbansa nito. Ito rin ay makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |