Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas kahapon, Pebrero 23, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na gaganapin ngayong araw, Pebrero 24, 2016, sa Sanya, Hainan, ang Ika-3 Pulong ng mga Mataas na Lider ng Lancang - Mekong Cooperation.
Ayon kay Hua, magkasamang mangungulo sa pulong sina Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina, at mataas na opisyal ng Thailand. Dadalo sa pulong ang mga mataas na opisyal mula sa Cambodia, Laos, Myanmar, at Biyetnam.
Ipinahayag ni Hua ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang pakikipagkoordina at pakikipagtulungan sa mga bansa sa Mekong River para magkakasamang gumawa ng paghahanda para sa gaganaping kauna-unahang Pulong ng mga Lider ng Lancang - Mekong Cooperation.
Salin: Li Feng