|
||||||||
|
||
Sa Yushu Tibetan Autonomous Prefecture, probinsyang Qinghai ng Tsina — Binuksan Miyerkules, Agosto 17, 2016, ang Final ng Unang Mapanlikhang Disenyo ng Kabataan ng Anim na Bansa Tungkol sa Pagsasaayos at Pag-unlad ng Lancang-Mekong River.
Sa seremonya ng pagbubukas, sa ngalan ng limang (5) bansa sa Mekong River, bumigkas ng talumpati sina Hoy Pichravuth, Consul General ng Cambodia sa Xi'an, at Aung Ko, Consul General ng Myanmar sa Nanning.
Napag-alamang ang mga obra ng mga kalahok ay nagpokus sa sustenableng pag-unlad ng yamang-tubig sa Lancang-Mekong River, at mga isyung kinabibilangan ng episyensya ng paggamit ng yamang-tubig, pangangalaga sa kagubatan, at paghawak sa kontaminadong tubig, at iba pa.
Ang naturang anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River ay kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |