Nagtagpo ngayong hapon, Oktubre 20, 2016, sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Ipinahayag ni Li na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Pilipinas. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ng Pilipinas, para pahigpitin ang kooperayon at pagpaplitan sa iba't ibang larangan.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Li na dapat igiit ng dalawang bansa ang bilateral na diyalogo para maayos na hawakan ang mga hidwaan. Ito aniya ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa, at makakabuti rin sa katatagan, kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Duterte na naninindigan ang kanyang bansa sa indipindiyanteng patakarang panlabas. Umaasa aniya siyang mapapalalim ng dalawang bansa ang aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sinabi rin niyang nakahanda ang Pilipinas na pag-aralan ang karanasan ng Tsina sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagbabawas ng kahirapan para pabutihin ang pamumuhay ng mga Pilipino.