Sinabi kahapon, Oktubre 19, ni Hua Chunying, tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, nagiging positibo ang pag-unlad ng kalagayan sa South China Sea at umaasa aniya ang panig Tsino na mapapatingkad ng Amerika ang konstruktibong papel sa pangangalaga ng relasyong Sino-Amerikano at kapayapaang panrehiyon.
Sa isang artikulo, sinabi ni Ashton Carter, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Amerika na sa maraming isyung kinabibilanga ng South China Sea, hindi sumusunod ang Tsina sa mga regulasyon. Kaugnay nito, sinabi ni Hua na napansin na ng panig Tsino ang may kinalamang ulat at paulit na ulit na itong sinabi ni Carter. Sa mula't mula pa'y ang Tsina ay matatag na kumakatig sa mga batas, regulasyon at kaayusang pandaigdig, aniya. Dapat aniyang itakda ang regulasyon pagkaraan ng magkasamang pagsasanggunian at dapat ding malawakang tanggapin ito ng lahat ng panig sa halip na ilang umano'y regulasyong naglalayong magsulong ng sariling kapakanan at interes ng ilang bansa.