Mula ika-20 ng Oktubre, 2016, sinimulan ang serbisyo ng delivery sa pamamagitan ng high-speed railway sa 505 lunsod ng Tsina.
Sa kasalukuyan, halos 80% ng serbisyo ng delivery ng Tsina ay inihahatid sa pamamagitan ng transportasyong panlupa, at 15% naman ang inihahatid sa pamamagitan ng transportasyong panghimpapawid. Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang high-speed railway ng Tsina, lumampas sa 20 libong kilometro ang kabuuang haba ng daambakal, at ito ay nagkakaloob ng ginhawa para sa pag-unlad ng high-speed railway delivery.
salin:wle